Sa nakalipas na 24 oras ay umuga ang 193 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal, ayon sa Phivolcs.

Kabilang anila rito ang 156 volcanic tremors na tumagal nang isa hanggang 15 minuto.

Pinaalalahanan ng Phivolcs ang madla na kasalukuyan pa ring nakataas ang Alert Level 2 sa Bulkang Taal.

“Sa Alert Level 2, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island o TVI,” saad pa ng ahensiya.

The post 193 lindol naitala sa Taal first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/193-lindol-naitala-sa-taal/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=193-lindol-naitala-sa-taal)