Inaasahan ng Pilipinas na makatanggap ng isang milyong doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac sa ikatlong linggo ng Marso.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., ito ay kapag nalagdaan na ng bansa ang purchase order nito sa naturang Chinese drugmaker.

“Binubuo na po namin ngayon ‘yung tinatawag na [purchase order], supposed to be dapat ngayon po mapirmahan namin yung purchase order para at least makuha na namin sa third week ng March,” ani Galvez sa ANC, Miyerkoles.

Bahagi ang 1 milyong doses ng CoronaVac sa 25 milyong doses na natiyak ng bansa mula sa Sinovac.

Magugunitang tumanggap na ang ‘Pinas ng 600,000 doses ng Sinovac bakuna na donasyon ng gobyerno ng Tsina, na siyang ginamit upang masimulan na ang vaccination program ng bansa laban sa COVID-19.

The post 1M Sinovac doses baka dumating ngayong buwan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1m-sinovac-doses-baka-dumating-ngayong-buwan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=1m-sinovac-doses-baka-dumating-ngayong-buwan)