Nakarekober na sina Cebu Archbishop Jose Palma at retired Auxiliary Bishop Antonio Rañola mula sa coronavirus disease, ayon sa isang post sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines website.

Ayon sa ulat ng GMA News, nakauwi na ang dalawa sa Archbishop’s residence matapos ang 10 araw na pamamalagi sa ospital.

Lubos namang nagpasalamat si Palma sa pagdugtong ng Panginoon sa kanyang buhay.

“For us who are given another opportunity to continue our ministry, we say praise God,” sambit niya sa isang video.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/arsobispo-sa-cebu-sapul-ng-covid-19/

The post 2 Cebu bishop dinaig COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-cebu-bishop-dinaig-covid-19/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-cebu-bishop-dinaig-covid-19)