Pinayagan ng Commission on Audit ang hiling ng sampung security guard ng Pangasinan State University na mabayaran ang kanilang overtime mula 2000 hanggang 2004.

Ayon sa COA mayroong sapat na batayan upang mabayaran sina Rodolfo Lopez, Mariano Payomo, Domingo Parayno, Domingo Bruan, Isidro Cruz, Emilio Quinto, Sixto Valencerina, Antonio Sison, Joehannes Arenas, at Roger Beltran ng kanilang pinagtrabahunan na may kabuuang halagang P678,737.85.

Nabatid na pumanaw na sina Parayno at Sison kaya ipinabibigay ng COA sa kanilang pamilya ang dapat nilang makuha.

Noong 2000, naglabas ng special order ang liderato ng PSU kaugnay ng overtime ng mga guwardya subalit hindi ito nabayaran.

Nang magretiro si Lopez noong 2015, ay sumulat ito sa PSU upang makuha ang kanyang P60,977 overtime pay.

Pero sinabi ng PSU na walang batayang legal ang pagbabayad sa kanila kahit na mayroong pondo ang eskuwelahan para rito.

Sumulat ang PSU sa Department of Budget and Management (DBM) upang mabayaran ang mga guwardya.

Sinabihan ng DBM ang PSU na payuhan ng mga guwardya na maghain ng claim sa COA.

“It can be inferred from the records that PSU authorized the petitioners to render OT services. In fact, the SOs (special orders) which converted the OT payments into leave credits is an acknowledgment and admission by the PSU that the OT services were rendered by the petitioners,” saad ng COA. (Billy Begas)

The post 2 dekadang naghintay! 10 sekyu nakolekta delay na OT pay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-dekadang-naghintay-10-sekyu-nakolekta-delay-na-ot-pay/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-dekadang-naghintay-10-sekyu-nakolekta-delay-na-ot-pay)