Ayon sa health authorities sa United Kingdom, nadiskubre sa England ang dalawang kaso ng bagong COVID-19 variant na unang naiulat sa Pilipinas.

Sabi ng Public Health England sa isang pahayag, ang P3 variant ay itinalaga bilang “variant under investigation.”

Isa sa mga kaso ay may kaugnayan sa international travel habang ang isa pa ay iniimbestigahan pa, dagdag ng PHE.

Noong Sabado, kinumpirma ng Philippine health authorities ang presensya ng P3 variant sa bansa.

Sa ngayon, may 98 kaso na nitong P3 sa ‘Pinas.

The post 2 kaso ng P3 variant namataan sa UK first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-kaso-ng-p3-variant-namataan-sa-uk/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-kaso-ng-p3-variant-namataan-sa-uk)