Umakyat pa sa 15,876 ang kabuuang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa na nasapul ng COVID-19 matapos maitala ng Department of Foreign Affairs ang 2 bagong kaso kahapon.

Sumampa naman sa 9,554 ang bilang ng mga nakarekober matapos maitala ng ahensya ang karagdagang isang gumaling.

Nanatili naman sa 1,041 ang death toll rate ng Pinoy sa abroad.

Kasalukuyang sumampa na sa 5,281 ang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa na nagpapagaling mula sa naturang sakit.

The post 2 Pinoy abroad nagpositibo sa COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-pinoy-abroad-nagpositibo-sa-covid-19/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-pinoy-abroad-nagpositibo-sa-covid-19)