Natusta ang 20 bahay sa Tondo, Maynila dahilan para mawalan ng matutuluyan ang 40 pamilyang naninirahan dito.

Ayon sa ulat ng ng GMA News, itinaas sa ikatlong alarma ang sunog matapos nitong tupukin ang 20 bahay sa Dagupan Extension, Barangay 155, Zone 14.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, maaaring naiwang kandilang nakasindi ang naging sanhi ng sunog na nagsimula bandang alas-4 ng umaga nitong Huwebes.

Tuluyan namang naapula ang sunog bandang alas-5:20 ng umaga.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

The post 20 bahay naabo sa Tondo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/20-bahay-naabo-sa-tondo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=20-bahay-naabo-sa-tondo)