20 volcanic earthquakes ang umuga sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 30 oras.

Sabi ito ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ngayong Huwebes ng tanghali, Marso 18, habang inaabisuhan ang madla hinggil sa “increase in activity” sa nasabing bulkan.

“A total of 20 volcanic earthquakes which includes one tornillo and three low frequency events were recorded within the last 30 hours by the Bulusan Volcano Network,” saad ng ahensiya.

Pinapahiwatig anila ng ground deformation data na may “short-term slight inflation” sa Mt. Bulusan mula Pebrero 2021, pero deflated pa rin ito batay naman sa long-term trend mula Hulyo 2020.

Samantala, ayon sa Phivolcs, nananatili sa Alert Level 0 o normal na kondisyon ang Bulusan Volcano ngunit maaari itong magbago kung magpapatuloy ang kasalukuyang aktibidad sa bulkan.

The post 20 lindol naitala sa Mt. Bulusan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/20-lindol-naitala-sa-mt-bulusan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=20-lindol-naitala-sa-mt-bulusan)