Nagsanib-puwersa ang gobyerno at mga private company para makakuha ng 20 milyong bakuna mula Moderna.

Ang private sector ay pinamunuan ni Enrique Razon, ang chairman ng International Container Terminals Services, Inc.

“We would like to express our deepest appreciation to Mr. Enrique K. Razon, Chairman of ICTSI and representing the private sector, for his incessant support to the national government in our fight against this pandemic,” ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Sa naturang tripartite agreement, 13 milyong dose ang order ng national government, habang pitong liyong dose naman ang aakuin ng private sector para sa kanilang mga manggagawa.

“With the signing of this tripartite agreement, we can say that our bayanihan spirit is truly alive,” wika pa ni Galvez.

Nagpasalamat din ang vaccine czar sa Moderna at kay Philippine Ambassador to the United States Jose Romualdez para maselyo ang naturang kasunduan.

The post 20M Moderna vaccine siniguro ni Razon, PH gov’t first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/20m-moderna-vaccine-siniguro-ni-razon-ph-govt/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=20m-moderna-vaccine-siniguro-ni-razon-ph-govt)