Mahigit dalawang milyong doses ng COVID vaccine ang inaasahang darating sa bansa ngayong Marso hanggang Abril.

Ito ang iniulat ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang regular na mensahe sa bayan sa MalacaƱang.

Sinabi ni Galvez na batay sa target at timeline, karagdagang 2.3 million doses ng bakuna ang inaasahang darating sa Pilipinas.

Kabilang aniya dito ang bahagi ng donasyon pa rin ng China mula sa Sinovac, at posibleng sumabay na ang bibilhing isang milyong doses ng Sinovac.

“it will be 400,000 from the Chinese donation, and then we are also working on the procurement through DOH, the 1 million Sinovac, so a total of 1.4 million Sinovac vaccines,” ani Galvez.

Mayroon din aniya silang impormasyon mula sa World Health Organization (WHO) na posibleng darating din ngayong Marso 22 o kung magkaroon ng delay ay sa unang linggo ng Abril ang halos isang milyong dose ng AstraZeneca

The post 2.3M COVID bakuna dadating ngayong Marso, Abril first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-3m-covid-bakuna-dadating-ngayong-marso-abril/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-3m-covid-bakuna-dadating-ngayong-marso-abril)