Umakyat na sa 15,079 ang kabuuang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa na nasapul ng COVID-19 matapos maitala ang 27 bagong kaso kahapon.

Sumampa naman sa 9,526 ang bilang ng mga nakarekober matapos maitala ng Department of Foreign Affairs ang karagdagang 13 gumaling kahapon.

Nanatili naman sa 2,033 ang death toll rate ng Pinoy sa abroad.

Kasalukuyang sumirit na sa 4,520 ang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa na nagpapagaling mula sa naturang sakit.

The post 27 Pinoy sa abroad sapul ng COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/27-pinoy-sa-abroad-sapul-ng-covid-19/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=27-pinoy-sa-abroad-sapul-ng-covid-19)