Pansamantalang sinara ang dalawang pasilidad sa Senate building matapos mahawa sa coronavirus disease ang tatlo nitong in-house caterer.

Banggit ni Senate President Tito Sotto sa Inquirer, Lunes, “We will remain in semi lockdown. Will most probably end sessions by 6 pm. Health protocols will be stricter.”

Hindi anila sila pwedeng hindi magpatuloy sa trabaho kasi maraming kailangang aksyunan na panukalang batas mula sa Kamara.

Sa isang abiso kahapon, sinabi ni Senate Secretary Myra Villarica sa mga opisyal at kawani ng Senado na inirekomenda ng Medical and Dental Bureau (MDB) ang pansamantalang pagsasara ng executive lounge at canteen ngayong Lunes, Marso 15, para magbigay-daan sa disinfection at sanitation.

Inabisuhan ang mga manggagawa na magdala ng sarili nilang pagkain at inuman “for the duration of the 14-day closure.”

Saad pa sa abiso, babalik sa normal ang operasyon ng executive lounge at canteen sa Marso 29 o kapag sinabi na ng MDB.

The post 3 caterer ng Senado Covid-positive; semi lockdown kinasa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/3-caterer-ng-senado-covid-positive-semi-lockdown-kinasa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=3-caterer-ng-senado-covid-positive-semi-lockdown-kinasa)