Kumpirmadong nasawi ang tatlong construction worker sa isang gusali ng Philam Life na gumuho sa isinasagawang demolisyon.

Ayon sa Manila Police District Station 5, ang mga katawan ng tatlong manggagawa ay natagpuan bandang alas-8:45 ng umaga.

Kinilala ang mga construction worker na sina Richard Bugarin, Joseph Lacsa at Jomar Torillos.

Matatandaan na unang napaulat na nawawala ang tatlo matapos ang pagguho ng naturang gusali sa Maynila.

Nangako naman ang mga contractor na mag-aabot ng tulong sa mga naiwang pamilya ng tatlong manggagawa.

The post 3 construction worker natagpuang bangkay sa gumuhong Philam Life building first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/3-construction-worker-natagpuang-bangkay-sa-gumuhong-philam-life-building/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=3-construction-worker-natagpuang-bangkay-sa-gumuhong-philam-life-building)