Umuga ang 36 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Kabilang anila rito ang 27 volcanic tremors na tumagal nang isa hanggang walong minuto.

Batay pa sa Marso 22 bulletin ng Phivolcs, nakapagtala rin ng mahinang pagsingaw, pagbuga ng sulfur dioxide, at marahan at patuloy na pamamaga sa Taal.

Pinaalalahanan din ng ahensiya ang publiko na kasalukuyan pa ring nakataas ang Alert Level 2 sa nasabing bulkan.

“Sa Alert Level 2, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island o TVI,” saad pa nila.

The post 36 lindol naitala sa Taal first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/36-lindol-naitala-sa-taal/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=36-lindol-naitala-sa-taal)