Nakapagtala ng apat na volcanic earthquakes sa Bulkang Pinatubo sa nagdaang 24 oras.

Ayon ito sa 8 a.m. bulletin ng Phivolcs ngayong Lunes, Marso 15.

Nakataas ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang may bahagyang pagligalig na maaaring dulot ng tectonic na kaganapan sa ilalim ng bulkan at hindi naman namamataan ang pagputok nito sa nalalapit na panahon.

Saad ng Phivolcs, ang pagpasok sa Pinatubo Crater ay dapat patawan ng matinding pag-iingat at iwasan na lang hangga’t maaari.

Pinaalalahanan din ng ahensiya ang mga pamayanan at lokal na pamahalaan sa paligid ng Pinatubo na laging maging handa laban sa mga panganib ng lindol at pagputok ng bulkan at muling suriin, ihanda at pagtibayin ang kanilang contingency, emergency at iba pang planong paghahanda laban sa sakuna.

The post 4 lindol umuga sa Pinatubo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/4-lindol-umuga-sa-pinatubo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=4-lindol-umuga-sa-pinatubo)