Nakatanggap ang Pilipinas ng dagdag na 400,000 doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng China’s Sinovac.

Lumapag ang CoronaVac doses sa Ninoy Aquino International Airport sakay ng Philippine Airlines flight kaninang alas-siyete ng umaga, Marso 24.

Sinalubong nina Health Secretary Francisco Duque III, Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, testing czar Vince Dizon, at Senate committee on health chairperson Senator Bong Go ang mga donasyong bakuna.

Bukod pa ito sa dinonate ding 600,000 Sinovac vaccines na naunang naibigay sa bansa noong Pebrero 28.

The post 400K Sinovac bakuna dumating sa PH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/400k-sinovac-bakuna-dumating-sa-ph/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=400k-sinovac-bakuna-dumating-sa-ph)