Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, sa nagdaang 24 oras ay umuga ang 42 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal.

Kabilang anila rito ang 34 yugto ng volcanic tremors na tumagal nang mula 1 hanggang 8 minuto, at 1 hybrid event.

Naganap naman sa main crater ang mahinang pagsingaw na umabot sa 5 metro ang taas, saad ng Phivolcs sa Marso 16 bulletin nito.

Ang sukat anila ng ground deformation ng bulkan ay nagsasaad ng marahan at patuloy na pamamaga ng kalakhang Taal magmula pa nang sumabog ito noong Enero 2020.

“These parameters may indicate increased magmatic activity at shallow depths beneath the edifice,” dagdag ng ahensiya.

Pinaalalahanan ng Phivolcs ang madla na kasalukuyan pa ring nakataas ang Alert Level 2 sa Bulkang Taal.

Sa nasabing alert status, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island o TVI.

The post 42 lindol umuga sa Taal first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/42-lindol-umuga-sa-taal/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=42-lindol-umuga-sa-taal)