Nakapagtala ang Department of Education (DepEd) ng 4,468 kaso ng COVID-19 na kinabibilangan ng mga kawani ng ahensiya at mga estudyante.

Sa pagdininig ng Senate basic education committee, ibinunyag ni DepEd UnderSecretary at spokesperson Nepomuceno Malaluan na 1,638 mag-aaral ang tinamaan ng virus at 2,830 na teaching at non-teaching personnel.

Sa naturang bilang, ang Quezon province ang may pinakamaraming bilang ng kaso (193) sa mga mag-aaral gayundin sa mga staff ng DepEd. Sumunod ang Batangas (158) at pangatlo naman Bataan (126).

Pang-apat ang Cebu province (114), panglima ang Quezon City (104), pang-anim ang Cavite na sinundan ng Navotas (99), Davao City (94), at Negros (88).

Tinatalakay ng komite na pinamumunuan ni Senador Sherwin Gatchalian ang epekto ng pandemya sa educational system ng bansa.

Noong Martes, piangtibay ng Senado ang isang resoluson na nagrerekomenda ng ligtas na pagbubukas ng mga eskuwelahan sa pamamagitan ng paglunsad ng dry run ng limitadong face-to-face class sa mga lugar na mababa ang kaso ng coronavirus.

The post 4.4K estudyante, DepEd staff sapul ng Covid first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/4-4k-estudyante-deped-staff-sapul-ng-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=4-4k-estudyante-deped-staff-sapul-ng-covid)