Umakyat na sa 10,993 ang kabuuang bilang ng kawani ng Philippine National Police na gumaling mula sa COVID-19 matapos maitala ang 48 bagong nakarekober kahapon.

Umakyat naman sa 11,575 parak ang nasapul ng sakit matapos maitala ang 76 bagong nagpositibo kahapon.

Nanatili naman sa 31 ang death toll rate ng naturang ahensya.

Kasalukuyang sumirit na sa 551 pulis ang nagpapagaling sa COVID-19.

The post 48 pang parak gumaling sa COVID-19 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/48-pang-parak-gumaling-sa-covid-19/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=48-pang-parak-gumaling-sa-covid-19)