Patay ang limang pulis habang dalawa pa ang sugatan sa naganap na bakbakan laban sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Labo, Camarines Norte, Biyernes ng gabi.

Ayon sa ulat, nagpapatrolya ang first platoon ng 2nd Police Mobile Force Company nang maka-engkuwentro ang mga rebelde sa Barangay Dumagmang bandang alas-9:24 ng gabi.

Kinilala ang mga nasawing pulis na sina Corporal Roger Estoy, Patrolmen Joey Cuarteros, Benny Ric Bacurin, Jeremy Alcantara at Alex Antioquia.

Sugatan naman sina Corporal Eric Hermoso at Patrolman Aldrin Aguito.

The post 5 pulis dedo sa engkuwentro sa Camarines Norte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/5-pulis-dedo-sa-engkuwentro-sa-camarines-norte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=5-pulis-dedo-sa-engkuwentro-sa-camarines-norte)