Patay ang limang katao sa nangyaring sunog sa exclusive subdivision na Corinthian Gardens sa Quezon City.

Nagsimula ang sunog bandang alas-3 ng madaling-araw, na umabot sa ikalawang alarma.

Ang sunog ay nangyari sa bahay ng pamilya Yu.

Bandang alas-5:25 ng madaling-araw naapula ang sunog.

Hindi naman nadamay ang ibang bahay sa Corinthian Gardens sa nangyaring insidente.

The post 5 todas sa sunog sa Corinthian Gardens first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/5-todas-sa-sunog-sa-corinthian-gardens/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=5-todas-sa-sunog-sa-corinthian-gardens)