Naitala ng Department of Health (DOH) at University of the Philippines-Philippine Genome Center ang 59 bagong kaso na nagpositibo sa United Kingdom (UK) COVID-19 variant, 32 kaso na may kinalaman sa South African variant at isang kaso sa Brazilian virus variant sa bansa ngayong araw.

Sa isang press release ng DOH, tinukoy ang mga nasapul ng UK variant bilang 30 lokal na kaso at 18 returning overseas Filipino (ROF).

Kasalukuyang tinutukoy pa ang kargdagang 11 kaso nito.

“Sixteen (16) of the local cases are from the Cordillera Administrative Region, 10 are from the National Capital Region, 2 are from Central Luzon, and 2 are from CALABARZON,” saad nila sa pahayag.

Samantala, tinukoy naman ang mag indibidwal na nasapul ng South African COVID-19 variant bilang 21 lokal at isang ROF.

Kasalukuyang tinutukoy pa ang pinagmulan ng 10 nagpositibo.

Samantala, inaalam pa ng ahensya kung saan nanggaling ang indibidwal na nagpositibo sa Brazilian variant ng virus.

Kaugnay nito, hinimok ng Health Department ang publiko na patuloy na obserbahin at sundin ang mga ipinatutupad na health protocol upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

“Further, the DOH strongly urges all local government units (LGUs) to facilitate and implement necessary interventions to mitigate the continued increase in the number of cases.”

The post 59 Pinoy sapul ng UK Covid variant; 32 pang kaso naitala sa South African variant ; 1 positibo sa Brazilian variant – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/59-pinoy-sapul-ng-uk-covid-variant-32-pang-kaso-naitala-sa-south-african-variant-1-positibo-sa-brazilian-variant-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=59-pinoy-sapul-ng-uk-covid-variant-32-pang-kaso-naitala-sa-south-african-variant-1-positibo-sa-brazilian-variant-doh)