Sasailalim sa apat na araw na lockdown ang anim na barangay sa Lungsod ng Maynila ngayong linggo.

Sa anunsyo ng Manila Public Information Office, Lunes, sinabing kabilang sa mga ni-lockdown ni Mayor Isko Moreno ang mga sumusunod:

– Barangay 185 Zone 16 sa Tondo 2
– Barangay 374 Zone 38 sa Sta. Cruz
– Barangay 521 Zone 52 sa Sampaloc
– Barangay 628 Zone 63 sa Sta. Mesa
– Barangay 675 Zone 74 sa Paco
– Barangay 847 Zone 92 sa Pandacan

Magsisimula ang barangay lockdown mula hatinggabi ng Miyerkoles (Marso 17) hanggang 11:59 ng gabi ng Sabado (Marso 20).

Marami nang mga lungsod ang nagpatupad ng localized lockdown habang patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa sa ngayon.

The post 6 barangay sa Maynila ni-lockdown first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/6-barangay-sa-maynila-ni-lockdown/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=6-barangay-sa-maynila-ni-lockdown)