Sa nakalipas na 24 oras, naitala ang anim na volcanic earthquakes sa Bulkang Kanlaon.

Bukod dito, ayon pa sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Marso 22 bulletin nito, may katamtamang pagsingaw din na naganap sa Kanlaon.

Nakapagtala rin ng slight inflation sa ibaba at gitnang slopes ng bulkan mula Hunyo 2020.

Samantala, nakataas pa rin ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa “abnormal condition” ito at pumasok na sa “period of unrest.”

Mariing minumungkahi ng Phivolcs ang mahigpit na pagbabawal sa pagpasok sa 4-kilometrong radius na permanent danger zone ng Mt. Kanlaon dahil may tsansa pa rin anilang sumabog ang bulkan.

The post 6 lindol umuga sa Kanlaon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/6-lindol-umuga-sa-kanlaon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=6-lindol-umuga-sa-kanlaon)