Wala pang nakikitang pagbaba sa kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Nabasag muli ang daily record matapos maitala ang 7,999 bagong tinamaan ng new coronavirus nitong Sabado, ayon sa tala ng Department of Health.

Sa kauna-unahang pagkakataon, sumampa na sa 80,000 mark ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, ang pinakamataas buhat nang pumasak ang naturang virus sa ‘Pinas.

Dahil dito, sumirit sa 656,056 ang kabuuang kaso sa bansa,

Nasa halos 97.5% naman ang tinuturing na mild at asymptomatic case, 1.0 ang severe case, 0.53 ang moderate habang 0.9% ang nasa kritikal na kondisyon.

Natakda sa 562,484 ang bilang ng gumaling sa 597 dagdag na nakarekober sa COVID-19.

Habang 12,930 naman ang nasawi, 30 ang panibagong namatay sa naturang sakit.

The post 80K na active case! 7,999 COVID positive dumagdag sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/80k-na-active-case-7999-covid-positive-dumagdag-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=80k-na-active-case-7999-covid-positive-dumagdag-sa-pinas)