Maaaring sumampa sa 8,000 kaso ng COVID-19 ang maitala ng Department of Health (DOH) kada araw, ayon sa OCTA Research Team ngayong Linggo.

“Hindi tayo nananakot. Sinasabi lang natin, ‘yan ang science. Wala namang fear-mongering sa science. ‘Yung projections namin, nagkatotoo na. In fact, mas mabilis na siya compared sa original naming projection. Kaya, nag-readjust ng projection, ani Guido David ng ng naturang research team sa panayam ng Teleradyo.

Ani David, maaaring sumirit sa 5,000 hanggang 6,000 kaso ng Covid ang maitala ng DOH sa Metro Manila at posible pa itong umakyat sa 14,000 sa kalagitnaan ng Abril.

Una nang iniulat ng OCTA noong unang linggo ng Marso na maaaring sumipa sa 6,000 kaso ng COVID-19 ang maitala kada araw ngayong buwan.

Kaugnay nito, nagpatupad ng lockdown ang mga alkalde sa iba’t ibang lungsod upang maiwasan ang patuloy na paglobo ng COVID-19 case sa bansa. (VAPA)

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/59-pinoy-sapul-ng-uk-covid-variant-32-pang-kaso-naitala-sa-south-african-variant-1-positibo-sa-brazilian-variant-doh/

‘Pinas napasok ng Brazil variant – DOH

The post 8K kaso ng Covid maaaring maitala kada araw ng Marso – OCTA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/8k-kaso-ng-covid-maaaring-maitala-kada-araw-ng-marso-octa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=8k-kaso-ng-covid-maaaring-maitala-kada-araw-ng-marso-octa)