Nairehistro ang siyam na volcanic earthquake sa Bulkang Pinatubo sa nagdaang 24 oras.

Ayon ito sa Phivolcs sa 8 a.m. bulletin nito, Marso 5.

Nakataas ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang “mayroong bahagyang pagligalig na maaring dulot ng tectonic na kaganapan sa ilalim ng bulkan at hindi naman namamataan ang pagputok nito sa nalalapit na panahon.”

“Mangyari lamang na ang pagpasok sa Pinatubo Crater ay patawan ng matinding pag-iingat at iwasan na lamang hangga’t maaari,” saad ng Phivolcs.

“Ang mga pamayanan at lokal na pamahalaan sa paligid ng Pinatubo ay pinaaalahanan na laging maging handa laban sa mga panganib ng lindol at pagputok ng bulkan at muling suriin, ihanda at pagtibayin ang kanilang contingency, emergency at iba pang planong paghahanda laban sa sakuna,” dagdag nito.

The post 9 lindol umuga sa Pinatubo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/9-lindol-umuga-sa-pinatubo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=9-lindol-umuga-sa-pinatubo)