Pumalo sa 33 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa House of Representatives.

“Actually, nadagdagan siya. Ang active cases is 33 na,” ani House secretary general Mark Mendoza, Huwebes.

Nilinaw ni Mendoza na hindi pa kasama sa bilang ang mga mambabatas na sina Martin Romualdez, Mike Defensor, at Jocelyn Sy Limkaichong na nagpa-coronavirus test sa labas ng Kamara.

Samantala, mula Marso 18 hanggang 21 ay naka-lockdown ang Kamara dahil sa “nakaaalarmang” pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at bilang dagdag na precautionary measure sa nakahahawang sakit.

The post Active case sa Kamara akyat sa 33 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/active-case-sa-kamara-akyat-sa-33/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=active-case-sa-kamara-akyat-sa-33)