Pumanaw na ang beteranang aktres at voice talent na si Laura Hermosa, na nanay ng aktres-komedyante na si Tessie Tomas.

Siya ay 92 anyos.

Napaulat na nasawi si Hermosa noong Marso 16 sa kanyang bahay sa Makati.

Renal failure ang dahilan ng pagkamatay ni Laura.

Isa sa mga palabas na kinabilangan ni Laura ay ang 1983 movie na Broken Marriage, kung saan gumanap siya bilang ina ni Vilma Santos.

Nakatakdang ilibing ang nanay ni Tessie sa Loyola Memorial Park sa Marso 20.

The post Aktres Laura Hermosa dedo na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/aktres-laura-hermosa-dedo-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=aktres-laura-hermosa-dedo-na)