Nilabas na ng Department of the Interior and Local Government ang mga pangalan ng limang lokal na opisyal na inunahan ang mga prayoridad na mabakunahan kontra coronavirus sa Pilipinas.

Binahagi ni DILG Undersecretary sa CNN PH, Miyerkoles, ang pagkakakilanlan ng limang alkalde na binigyan ng show cause orders dahil sa pagpapaturok ng bakuna kahit pa hindi naman sila healthcare worker.

Ang medical frontliners ang dapat mauna sa mga mabibigyan ng Sinovac o AstraZeneca doses sa bansa.

March 16 – Legazpi City, Albay Mayor Noel Rosal
March 19 – Sto. Nino, South Cotabato Mayor Sulpicio Villalobos
March 19 – T’boli, South Cotabato Mayor Dibu Tuan
March 22 – Bataraza, Palawan Mayor Abraham Ibba
March 22 – Tacloban City, Leyte Mayor Alfred Romualdez

The post ALAMIN: 5 mayor na sumingit sa Covid turukan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alamin-5-mayor-na-sumingit-sa-covid-turukan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=alamin-5-mayor-na-sumingit-sa-covid-turukan)