Halos sabay-sabay na nag-anunsiyo ang mga mall sa Greater Manila Area ng bago nilang operating hours sa panahon na epektibo ang enhanced community quarantine doon.

Dahil sa curfew sa “NCR Plus” — Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal — na mula alas-6 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga, mas maaga nang magsasara ang mga malalaking mall mula Marso 29 hanggang Abril 4, 2021.

SM Supermalls malls (essential stores lang) – 10 a.m. hanggang 5 p.m.
Ayala Malls malls (essential stores lang) – 10 a.m. hanggang 5 p.m.
Vista Mall (essential stores lang) – 10 a.m. hanggang 5 p.m.
Supermarkets ng Robinsons Malls – 7 a.m. hanggang 6 p.m.
Robinsons Malls malls (ibang essential stores) – 10 a.m. hanggang 5 p.m.
Fisher Mall (essential stores lang) – 8 a.m. hanggang 5 p.m.
Fisher Supermarket Quezon Avenue – 7 a.m. hanggang 6 p.m.

The post ALAMIN: Iskedyul ng NCR Plus malls habang ECQ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alamin-iskedyul-ng-ncr-plus-malls-habang-ecq/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=alamin-iskedyul-ng-ncr-plus-malls-habang-ecq)