Inihayag na ni PLtGen. Guillermo Lorenzo Eleazar nitong Linggo ang mga hindi kasali sa pagpapatupad ng uniform curfew hours sa Metro Manila.

Ayon sa isang statement, exempted sa curfew ang mga healthcare worker tulad ng mga nurse, ambulance driver at iba pang empleyado ng mga medical facility.

Sambit niya, maging ang mga taong may emergency ay pahihintulutang makalabas sa itinakdang curfew.

Bukod dito, wala ring curfew na susundin ang mga law enforcement agency tulad ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard at Bureau of Fire Protection.

Kasama rin sa exempted ang mga PUV driver, truck driver na maghahatid essential product, mga construction worker, sekyu at iba pang private employee tulad ng call center agent at mga tauhan sa fast food chain.

Dagdag pa rito, hindi rin sakop ng curfew hours ang mga nagtatrabaho sa midya.

Una nang inanunsyo ng pamahalaan na isasailalim ng mga alkalde sa Metro Manila ang kanilang lungsod sa dalawang linggong curfew simula ngayong araw, Marso 15.

Magsisimula ang curfew alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw.

The post ALAMIN: Mga exempted sa curfew hours sa NCR first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/alamin-mga-exempted-sa-curfew-hours-sa-ncr/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=alamin-mga-exempted-sa-curfew-hours-sa-ncr)