“Alam kong bobo ka kasi DDS (Diehard Duterte Supporter) ka.”

Isa lang ito sa mga sagot ni Albie Casiño sa isa niyang commenter na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nag-post kasi ang aktor sa Instagram ng mukha niya na nakakunot ang noo, kasama ang caption na, “My face when they said ECQ season 2.”

“Congrats to everyone who voted nung 2016, sana natutuwa kayo ngayon 😂 Vote wisely sa 2022,” sey niya pa.

May mga DDS na nainis sa post ni Albie, kasama ang isang @itsmejhongperalta na sarcastic na sinabing, “God bless to your career.”

Sabi naman ni Albie, may oras siyang mag-react sa comments at tinawag ang basher na “stupid” at “bobo.”

Sey pa ng aktor sa isang @iamjcgo, sana huwag daw lumaganap ang mga DDS.

“They obviously don’t control the virus but they do have control over how they handled the virus (we are LITERALLY THE WORDT COVID RESPONSE IN THE WORLD). Our neighboring countries should be used as a measuring point, look at them and compare to us,” tsika ni Casiño.

“Now alam kong bobo ka kasi DDs ka, but if you still don’t get it after this, wala ka na pag-asa. Please don’t breed,” dagdag niya.

The post Albie Casiño gigil sa DDS basher first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/albie-casino-gigil-sa-dds-basher1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=albie-casino-gigil-sa-dds-basher1)