Nagbabala ang Department of Health (DOH) at Philippine Food and Drug Administration (FDA) laban sa paggamit ng Ivermectin bilang panggamot sa mga coronavirus patient.

Ang Ivermectin ay isang antiparasitic drug para sa mga hayop. Panggamot ito sa maraming uri ng parasite infestations gaya ng kuto at scabies.

“Binabalaan po namin na ‘wag po tayong uminom ng mga gamot na para sa hayop,” ayon kay FDA director general Eric Domingo, Lunes.

“There are a lot of uncertainties, a lot of unknowns dito sa mga gamot na lumalabas dahil wala naman talagang proven to really address COVID-19,” sabi naman ni DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire.

Punto ng DOH official, maging ang mga manufacturer ng Ivermectin ay hindi nirerekomenda ang nasabing gamot laban sa coronavirus.

The post Anti-kuto ‘wag gamitin vs. COVID – DOH, FDA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/anti-kuto-wag-gamitin-vs-covid-doh-fda/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=anti-kuto-wag-gamitin-vs-covid-doh-fda)