Aprubado na ang emergency use authorization (EUA) para sa bakunang Sputnik V ng Russian medical institute na Gamaleya.

Inanunsyo ito ni Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo nitong Biyernes.

“After a rigorous and thorough review by regulatory and medical experts of the currently available published and unpublished data, the FDA is granting emergency use to the Sputnik V,” saad ni Domingo.

Ito ang ikaapat na bakunang maaari nang gamitin sa Pilipinas, kasunod ng Pfizer, AstraZeneca at Sinovac vaccine.

Sa naging clinical trial para sa Sputnik, umabot sa 91.6% ang efficacy rate nito.

Ginagamit na ang naturang bakuna sa Russia, Argentina, Venezuela, UAE, Iran, Hungary at mga lugar sa Palestine.

Saad ni Domingo, pwedeng iturok ang Sputnik V sa mga edad 18 pataas.

The post Bakuna ng Russia pwede na gamitin sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bakuna-ng-russia-pwede-na-gamitin-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bakuna-ng-russia-pwede-na-gamitin-sa-pinas)