Kumakalat sa social media ang video ng pag-aresto kay Efren “Bata” Reyes dahil sa paglalaro ng billiards habang may pandemya.

Pinagbabawal pa ng gobyerno ang paglalaro ng billiards habang may pandemya.

Sa video, makikitang kinukumpiska ng mga pulis at opisyal ng barangay ang mga kagamitan sa laro, at tinitipon sina Reyes, kalaban nito, at iba pa sa billiard hall.

Makikita ring walang mask si Bata, 66 anyos at isang senior citizen kaya bawal siyang lumabas ng bahay.

Pinahiwatig sa audio na dinala sa barangay hall sina Reyes, mga manlalaro, mga organizer, at mga manonood dahil sa paglabag sa quarantine protocol habang may pandemya.

‘Walang permit’ ang laro, ayon pa sa isang pulis sa video.

Samantala, hindi tinukoy sa video kung saan at kailan nangyari ang insidente.

The post Bata Reyes huli sa video na naglalaro, timbog first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bata-reyes-huli-sa-video-na-naglalaro-timbog/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bata-reyes-huli-sa-video-na-naglalaro-timbog)