‘Bawal billboard tuwing bagyo’ OK na sa Kamara

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukalang ‘Bawal Billboard Tuwing Bagyo’ bill.

Sa botong 205 pabor, walang tutol at apat na abstention, inaprubahan ang House Bill 7174 na akda ni Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva of CIBAC party-list sa sesyon Martes ng gabi.

Sa ilalim ng panukala kailangang tanggalin ng mga billboard owners ang mga advertisement materials kapag may paparating na bagyo upang hindi ito maging banta sa publiko.

“(T)his bill aims to prevent billboards from becoming a safety hazard by requiring billboard operators to take down their tarpaulin billboards, or switch-off electronic based billboards within 12 hours from an official announcement of typhoon Signal No. 1 in the locality,” ani Villanueva.

Ang sinumang lalabag ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P300,000 at maaaring makulong ng hindi bababa sa anim na buwan hanggang isang taon.

Nasa 20 bagyo ang pumapasok sa bansa kada taon.

Noong 2006, sa kasagsagan ng bagyong Milenyo ay namatay ang isang taxi driver at sugatan ang ilan pa matapos na bagsakan ng billboard sa Makati City ang apat na sasakyan.

May kaparehong nangyari noong 2008 sa Makati City din kung saan apat ang nasugatan.

“Billboards are undeniably a mark of a progressing economy. However, public safety should not be compromised. As our country is frequented by typhoons, strict regulation of billboard use must be done to safeguard people and properties,” saad ni CIBAC Rep. Domeng Rivera, na co-author sa panukala.

The post ‘Bawal billboard tuwing bagyo’ OK na sa Kamara first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bawal-billboard-tuwing-bagyo-ok-na-sa-kamara/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bawal-billboard-tuwing-bagyo-ok-na-sa-kamara)