Lumantad ang isang babae na pinagbintangang ginahasa siya ni Armie Hammer, isang aktor sa Amerika.

Sa press conference ni Atty. Gloria Allred, kinuwento ng babaeng nagpakilalang Effie ang umano’y pangre-rape sa kanya ni Hammer.

Saad ni Effie, nakilala niya si Hammer sa Facebook noong 2016 at nagkaroon sila ng relasyon hanggang 2020.

Sa kanilang relasyon, sinabi ni Effie na may pagkakataong pinaghahampas umano ang kanyang ulo sa pader at iba pang uri ng pananakit.

“On April 24, 2017, Armie Hammer violently raped me for over four hours in Los Angeles, during which he repeatedly slammed my head against a wall, bruising my face,” kuwento ni Effie.

Saad ni Effie, hindi niya pinayagan si Hammer na gawin ang mga bagay na iyong sa kanya.

Depensa naman ng kampo ni Hammer, si Effie umano ang nagpadala ng mga mensahe sa kung anong gusto niyang gawin sa kanya ng aktor.

“From day one, Mr. Hammer has maintained that all of his interactions with (Effie) — and every other sexual partner of his for that matter — have been completely consensual, discussed and agreed upon in advance, and mutually participatory,” saad sa pahayag ng abogado ni Hammer.

The post Bebot 4 na oras daw ginalaw: Aktor inakusahang rapist first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bebot-4-na-oras-daw-ginalaw-aktor-inakusahang-rapist/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bebot-4-na-oras-daw-ginalaw-aktor-inakusahang-rapist)