Tinanong si Beth Tamayo kung ano ang masasabi sa pamangkin na si Dominic Roque, na nili-link kay Bea Alonzo.

“Happy ako for them,” sambit niya sa Pilipino Star Ngayon, matapos ibahagi na isa ang aktres sa mga bumati sa kanyang pandemic wedding.

Pinayuhan din ni Tamayo si Roque, 30, na mag-ingat dahil laging may mga mag-aakusa na nakikisakay lang ang huli sa 33-anyos na celebrity.

“Alam mo ‘yun… because Bea is the biggest star. Sabi ko sa kanya, baka later on you will get a backlash from people saying that nakikisawsaw ka lang sa kasikatan ni Bea or whatever. ‘Yung… you don’t have your own identity and just like riding sa career niya, something like that,” tsika ni Beth.

“It’s hard. You might get feedback from other people na hindi maganda, dedmahin mo na lang. You know naman what to do and kung saan kayo masaya,” aniya pa.

Noong 2020 pa nakikitang magkasama sina Bea at Nic.

The post Beth Tamayo kay Dominic: Mga basher dedmahin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/beth-tamayo-kay-dominic-mga-basher-dedmahin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=beth-tamayo-kay-dominic-mga-basher-dedmahin)