Matagal pa ang aabutin para tuluyang makabangon ang turismo ng Bohol dulot ng COVID-19 pandemic, ayon kay Governor Arthur Yap nitong Sabado.

“Malayo pa tayo sa usaping ‘bawi'” anang opisyal sa isang briefing.

Wika niya, umaabot noon sa halos 30,000 biyahero ang sumasadya sa kanilang probinsya ngunit ngayon ay pumapalo na lang ito mula 1,000 hanggang 1,500 turista.

Kaugnay nito, umaasa ang gobernador na makatutulong sa pagbangon ng naturang probinsya ang target ng pamahalaan na bakunahan kontra COVID-19 ang 70 hanggang 80 milyong Pilipino.

The post Bohol matagal pa makakarekober sa pandemya – gobernador first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bohol-matagal-pa-makakarekober-sa-pandemya-gobernador/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bohol-matagal-pa-makakarekober-sa-pandemya-gobernador)