Sampung volcanic earthquakes ang naitala sa paligid ng Mt. Pinatubo simula Martes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Sa Phivolcs bulletin ngayong umaga, Marso 24, sinabi ring nakataas pa rin ang Alert Level 1 sa bulkan.

“Ito ay nangangahulugang mayroong bahagyang pagligalig na maaaring dulot ng tectonic na kaganapan sa ilalim ng bulkan at hindi naman namamataan ang pagputok nito sa nalalapit na panahon.”

Muli namang nagbabala ang mga volcanologist laban sa pagpasok sa bunganga ng Pinatubo.

The post Bulkang Pinatubo, 10 beses nag-alburoto first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bulkang-pinatubo-10-beses-nag-alburoto/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bulkang-pinatubo-10-beses-nag-alburoto)