Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naitala ang 110 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal simula Huwebes ng umaga.

Kabilang anila rito ang 63 volcanic tremors na tumagal nang mula isa hanggang 15 minuto, at tatlong hybrid events.

Naganap naman sa main crater ang mahinang pagsingaw na umabot sa limang metro ang taas, saad ng Phivolcs sa Marso 19 bulletin nito.

Habang ang sukat anila ng ground deformation ng bulkan ay nagsasaad ng marahan at patuloy na pamamaga ng kalakhang Taal magmula pa nang sumabog ito noong Enero 2020.

Pinaalalahanan ng Phivolcs ang madla na nakataas pa rin ang Alert Level 2 sa Bulkang Taal.

Sa nasabing alert status, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island.

The post Bulkang Taal inuga ng 110 beses first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bulkang-taal-inuga-ng-110-beses/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bulkang-taal-inuga-ng-110-beses)