Inaasahang magdudulot ng pag-ulan ang Northeast Monsoon o Amihan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), Bicol Region, Aurora at Quezon ayon sa PAGASA.

Buhat nito, binalaan ng ahensya ang mga residente sa mga nasabing lugar sa maaaring pagbaha at landslide dala ng mahina hanggang malakas na pag-ulan.

Anang ahensya, makulimlim na kalingatan na mayroong kasamang isolated light rain ang mararanasan ng Metro Manila at buong Luzon.

Bukod dito, maaari umanong maranasan ang mga isolated rainshower sa bansa buhat ng mga localized thunderstorms.

The post Cagayan Valley, CAR, Bicol, Aurora, Quezon uulanin dahil sa Amihan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/cagayan-valley-car-bicol-aurora-quezon-uulanin-dahil-sa-amihan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=cagayan-valley-car-bicol-aurora-quezon-uulanin-dahil-sa-amihan)