Sinipa ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge (OIC) Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang pinuno ng intelligence unit ng Calbayog City Police (CCP) kaugnay sa nag-viral na sulat na humihiling sa korte ng listahan ng mga abogado na kumakatawan sa mga makakaliwa.

Sa isang pahayag sinabi ni Eleazar na ang ginawa ni Police Lt. Fenando Calabria Jr., ay isang pagkakamali, na nagkompromiso sa magandang relasyon sa pagitan ng pulisya at ng hudikatura.

Si Calabria ang hepe ng Intelligence Unit ng CCP at pumirma sa nabanggit na sulat na nag-viral sa social media simula noong Biyernes.

Sa sulat noong Marso 12 na naka-address sa Clerk of Court Calbayog City Hall of Justice, hiningi ni Calabria ang mga pangalan ng mga abogado na kumakatawan sa mga isinalarawan niya bilang “Communist Terrorist Group”.

Nagbigay pa ito ng isang papel kung saan ilalagay ang mga pangalan ng mga abogado at kanilang affiliation, kung saan binanggit sa sulat na ito ay pagsunod sa kautusan mula sa “mas mataas na mga tanggapan ng PNP”.

Pero pinabulaanan ni Eleazar na may utos na ganoon sa pambansang pulisya.

“As soon as we were informed of a letter… I immediately ordered a thorough investigation to determine all the circumstances that prompted Police Lieutenant Fernando G Calabria, Jr. to do so. And based on the initial result of the investigation, what Police Lieutenant Calabria did was part of his effort to come up with a comprehensive report on the communist insurgency situation in his area of responsibility, which is Calbayog City,” ani Eleazar.

“The pressure of crafting a detailed report apparently took a toll on him and eventually prompted him to commit a serious breach of policy,” dagdag ng PNP OIC.

The post Calbayog intel chief sinibak ni Eleazar first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/calbayog-intel-chief-sinibak-ni-eleazar/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=calbayog-intel-chief-sinibak-ni-eleazar)