Hindi nakalampas sa mapanuring mata ng mga netizen ang handa sa ika-76 kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.

Sa ibinigay na mga larawan ni Sen. Bong Go sa media, makikitang hinihipan ni Duterte ang isang birthday candle na nakatusok sa isang tasa ng kanin. May plato rin ng pansit sa harap ng pangulo.

Pero makikita sa isang Facebook video ng isang tao na kasama sa event, na marami palang handa ang presidente, kabilang ang buong litson.

Burado na ang nasabing video.

Binatikos ng madla hindi ang litson, kundi ang pag-crop ng photo ni Go para ipakitang “simple” lang ang lunch ni Duterte.

“Acting poor for your birthday photo ops when you’re not really poor is just mocking those who truly have nothing to put on their tables for their own birthdays,” sabi pa ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite sa Twitter.

The post Close-up pala! Duterte may lechon pala sa b-day first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/close-up-pala-duterte-may-lechon-pala-sa-b-day/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=close-up-pala-duterte-may-lechon-pala-sa-b-day)