Inilunsad ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang “StaySafe.ph” na isang contact tracing application upang makatulong sa pagpapaigting ng mga hakbang sa pag-iingat laban sa COVID-19 sa bansa.

“StaySafe.ph app will be implemented and the end-user will be the Department of Interior and Local Government (DILG) since they are the ones in charge of contact tracing,” ani presidential spokesman Harry Roque.

“There is no problem with the app. As of yesterday, kinks have all been ironed out. The full implementation of the StaySafe.ph app will happen within 10 days,” pagpapatuloy niya.

Kaugnay ito sa isyung napabayaan umano ngNational Task Force (NTF) Against COVID-19 ang pagpapatupad ng mahigpit na contact tracing.

Nito lamang Huwebes nang aminin ni NTF Against COVID-19 Spokesperson Gen. Restituto Padilla na hindi masyadong nabigyan ng pansin ang contact tracing sa bansa.

“Napabayaan po ‘yan, I have to admit medyo nag-backslide tayo sa contact tracing,” wika ni NTF Against COVID-19 Spokesperson Gen. Restituto Padilla sa panayam ng Teleradyo.

“Ang problema, may reluctance pa rin ‘yong iba na i-share ‘yong personal data nila at magsalita. Kaya kahit masama pakiramdam. sinasarili nila, nandoon lang sila sa bahay, kaya kumakalat,” pagpapatuloy niya. (VAPA)

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/ntf-napabayaan-contact-tracing-kaya-nagka-covid-spike/

Robredo sa publiko: Huwag makampante, may Covid pa!

The post Contact tracing app inilunsad ng IATF first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/contact-tracing-app-inilunsad-ng-iatf/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=contact-tracing-app-inilunsad-ng-iatf)