Umakyat na sa 70 milyong indibidwal ang gumaling mula sa coronavirus disease 2019 sa daigdig.

Batay sa COVID-19 dashboard ng Center for Systems Science and Engineering (CSSE) sa Johns Hopkins University (JHU), Marso 23 ng umaga, 70,086,849 pasyente na ang dumaig sa COVID-19.

Samantala, 123,622,286 katao na ang nahawa habang 2,722,098 na ang namatay worldwide dahil sa coronavirus.

Nangunguna sa listahan ng global recoveries ang India (11.15 milyon), sumunod ang Brazil (10.61 milyon), at Russia (4.03 milyon).

Samantala, ayon din sa JHU-CSSE dashboard, Amerika naman ang parehong top 1 sa buong mundo sa bilang ng mga nagpositibo (29.86 milyon) at yumao (halos 543,000) dahil sa nakahahawang sakit.

Sa Pilipinas, 671,792 indibidwal na ang dinapuan ng COVID-19.

Kabilang dito ang 80,970 active cases, 577,850 nakarekober, at 12,972 nasawi.

The post COVID-19 survivor sa mundo akyat sa 70M first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-19-survivor-sa-mundo-akyat-sa-70m/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=covid-19-survivor-sa-mundo-akyat-sa-70m)