Inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na bawal gawin nang paspasan ang pagbabakauna kontra COVID-19 sa mga healthcare worker.

Aniya, kailangan pa kasi nilang i-monitor kung magkakaroon ba ng side effects ang naturukan ng COVID-19 vaccine kaya kailangan itong gawin nang dahan-dahan.

“Hindi mo puwedeng itodo kasi mamaya, itodo mo tapos biglang magkaroon ng side effect. Papauwiin mo, eh, paano ‘yung ibang pasyente na kailangan ng services?” sambit ni Duque sa panayam ng 24 Oras.

“Hindi simple ‘yan na parang magbabakuna ka lang tapos tapos na, hindi ganon ‘yun,” dagdag pa niya.

Nito lamang Biyernes ng sabihin ni Senador Panfilo Lacson na maaaring sa 2033 pa makamit ang “herd immunity” sa Covid kung magpapatuloy ang ganitong bagal ng vaccination sa bansa.

“Unless we accelerate the pace of vaccination, medyo matatagalan tayo,” anang Senador.

“At the rate of about 4,000 a day, assuming that the vaccination is not accelerated and assuming we will have the vaccines for the 70-million targeted population for herd immunity, we might not achieve herd immunity until 2033 at the rate we’re doing it now.”

The post COVID-19 vaccination ‘di puwedeng madaliin – Duque first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-19-vaccination-di-puwedeng-madaliin-duque/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=covid-19-vaccination-di-puwedeng-madaliin-duque)