Naitala na kahapon ng Department of Health ang unang kaso ng Brazil variant ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay na-detect sa isang manggagawang Pinoy na mula Western Visayas at umuwi galing Brazil.

Ayon sa ahensiya, naghahanap pa sila ng karagdagang impormasyon hinggil sa kaso.

Sa ngayon, batay sa World Health Organization, may tatlong variant of concern (VOC) sa daigdig: ang B.1.1.7 variant na unang nadiskubre sa United Kingdom (UK variant), ang B.1.351 variant ng South Africa (SA variant) at ang P.1 variant (Brazil variant).

Ibig sabihin, may presensya na ng lahat ng VOCs sa Pilipinas.

Samantala, inulat din ng DOH na may na-detect pang 59 kaso ng UK variant at 32 kaso ng SA variant, kaya pumalo na ang kabuuan sa 177 kaso ng UK variant at 90 kaso ng SA variant.

The post COVID Brazil variant pumasok na sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-brazil-variant-pumasok-na-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=covid-brazil-variant-pumasok-na-sa-pinas)