Ang pagsulpot ng iba’t-ibang COVID-19 variants sa bansa ang nakikitang dahilan ng mga eksperto sa pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit sa coronavirus ngayong Marso.

Ito ang iniulat ni Department of Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang regular na Talk to the People nitong Lunes.

Nagtataka ang Pangulo kung bakit napasobra ang pagsipa ng mga COVID cases ngayong Marso kumpara noong nakalipas na taon .

“Bakit ho mas malakas ang sipa ngayon kaysa noong una? And why the increase so exponential na parang wala ng hanggan? What could be fhe possible cause or causes of this?,” ang tanong ng Pangulo.

Sinabi naman ni Duque na mabilis ang pagkalat ng mga variants na nakapasok sa bansa kaya mabilis ang kontaminasyon at pagkakasakit ng mga tao lalo na sa Metro Manila.

“Ang sinasabi nila posibleng yung variants kasi mabilis po na kumalat so that’s one possibility ” ani Roque.

Kabilang aniya sa mga variant na nakapasok na sa bansa ay ang UK variant na 50-70% ang bilis sa pagkalat; pangalawa ay ang South African variant; pangatlo ang HongKong lineage; at P3 variant .

Bukod dito,sinabi ni Duque na hindi rin inaalis ang posibilidad na ang pagluluwag ng quarantine ang isa rin sa dahilan ng pagdami ng kaso dahil dumami ang mga lumala as na sa kanilang tahanan.

“Yung increased mobility po ng mga tao nagdulot din ng increased transmission, increased contact rate kaya po nakikita ninyo exponential, tumataas ang bilang ng mga kaso,” dagdag ni Duque.

The post Covid case sumirit dahil sa bagong variants – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-case-sumirit-dahil-sa-bagong-variants-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=covid-case-sumirit-dahil-sa-bagong-variants-doh)